Second batch sa resealing at calibration ng taxi tuloy

TULOY na ang pagsasagawa ng ikalawang batch ng resealing at recalibration ng mga metro ng taxi sa Metro Manila, Martes, Pebrero 15.

Ang mga taxi na may plakang nagtatapos sa 2 at 7 ang sumalang sa naturang resealing at recalibration makaraang aprubahan ang pagtaas sa singil sa pasahe.

Madaling-araw pa lamang ay pumila na ang mga taxi driver sa tanggapan ng Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTFRB) upang mauna sa naturang recalibration ng kanilang metro.

Ayon sa mga taxi driver, matagal din ang proseso ng resealing at recalibration kaya minabuti nilang magpa-una upang makabiyahe pa ngayong hapon.

Nagpaalala muli ang LTFRB na ang mga taxi lamang na dumaan sa recalibration ang metro ang pwedeng maningil ng P40 na flag down rate at P3.50 na pagtaas sa bawat kilometrong dagdag sa byahe.

Hanggang March 11 ang binibigay na panahon ng ahensya para sa mga taxi na nagtatapos ang numero ng plaka sa 2 at 7 para magpa-calibrate ng metro. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply