SECOND CHANCES

“WHEN God closes a door, He opens a window.”

Ito ang karaniwang kasabihang naririnig natin kapag may isang bagay na nagtatapos  hindi lamang sa larangan ng pakikipagrelasyon kundi maging sa pagsasara ng kumpanya at pagbubukas naman ng panibagong oportunidad.

Katulad nang nakararaming overseas Filipino workers (OFWs), isa si Rey Samputon, 36, na naniniwala na ang katuparan ng kaniyang pangarap ang magkaroon ng matatag at maayos na buhay ang makapaglayag sa ibang bansa bilang isang seaman.

Nagsunog siya ng kilay sa pag-aaral at nakapagtapos sa maritime course sa Bicol para makapagtrabaho bilang seaman.

“I know that there are a lot of employment opportunities in the maritime industry. I wanted to try my luck,” ani Samputon.

Hindi siya nabigo at sa loob ng 9 na taon, tinamasa niya at ng pamilya ang mga biyaya ng pagiging seaman sa magkakaibang international shipping companies.  Kaakibat  nito ang sakripisyo ng kalungkutan sa naiwang asawa at anak sa Pilipinas.

Nakapagpatayo siya ng bahay, naibigay ang pangangailangan ng pamilya at buo ang tiwala na tuloy-tuloy na ang magandang kapalaran dulot ng kaniyang mga pagsisikap na makapagtrabaho sa abroad.

Sa hindi inaasahang pangyayari, kabilang ang kaniyang kumpanya sa hinagupit ng tinatawag na ‘global recession’ at napilitang bumalik ng Pilipinas noong 2008 dahil isa siya sa natanggal sa kaniyang kumpaniya.

Bilang padre de familia, hindi malaman ni Samputon kung ano ang susunod na gagawin at paano maitatawid ang gastusin ng pamilya gaya ng unang nakasanayan.

“I was devastated. I felt that we will go back to being poor again because there are not many good jobs in the Philippines and the salaries are low,” anang seaman.

Habang nasa Maynila , naging tambay at  jobless si Samputon sa loob ng maraming buwan.  Tinangka niyang mag-apply ng trabaho subali’t  ilang beses din siyang nabigo dahil wala siyang sapat na kaalaman at karanasan sa ibang larangan maliban sa pagdaragat.

Dahil totoo marahil ang nasabing kasabihan na kapag may nagsasara, may nagbubukas,  nakita niya ang isang anunsiyo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na nagbibigay ng scholarships sa ilang mga kurso habang lulan ng jeep.

“I was a bum for so many months after going back to the Philippines . When I saw the TESDA ad, I was filled with hope. I thought why not enroll under their scholarship program, maybe an opportunity will open up for me. So I took up an AUTOCADD technician course,” paglalahad ni Samputon.

Pagkatapos ay agad siyang nagsimula ng kaniyang sariling AUTOCADD service at hindi naman nagtagal, nakuha niya ang tiwala ng ilang mga kliyente.

“Today, thanks to TESDA I have a stable business. I am a freelance AUTOCADD technician and By God’s grace, I have already faithful clients here and even abroad that keeps my business secure. Most of my clients are even from abroad, particularly from US architectural firms, I got them from the internet,” pagmamalaki pa ng seaman.

Halos gumuho na sana ang pag-asa ni Samputon  nang bumaba sa barko subali’t itinuturing niya na  isang pinaka-espesyal na  ‘blessing’ sa kaniya ang Technical Education and Skill Development Authority (TESDA) sa ikalawang pagkakataon.

“TESDA gave me a second chance when I lost my job as a seaman. After my training, I immediately got a job and even started my own business. What is good is that I don’t have to be far away from my family,” pahayag pa ni Samputon.

Sinabi naman ni TESDA Director General Joel Villanueva, na pinagsisikapan ng gobyerno na iprayoridad ang pagbibigay ng trabaho sa bansa para sa mga manggagawang  Pinoy na pinabalik ng bansa.

“That’s why we have various trainings and courses for Filipinos. We offer them the trainings and afterwards, the employment opportunities here so they don’t need to go abroad. We also want to assure those who are coming home after working abroad that TESDA can help them get employed here after taking TESDA courses. Providing employment is one of our major thrusts,”  ani Villanueva.

“We also want to tell returning OFWs that they can work here and earn well. The government is building a sound economy that produces good jobs. We at TESDA, are building a workforce that has the flexibility to acquire new skills for new jobs as structures of economies and occupations change,” pagtatapos pa ng TESDA director general. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply