Sekyu dedo sa kasamahan

TIGOK ang  isang 43-anyos na sekyu matapos itong saksakin ng kanyang katrabaho na umano’y  nagalit sa una dahil sa pagkawala ng cell phone nito Lunes ng madaling araw, Pebrero 21, sa Pier,Tondo Maynila.

Nakilala ang biktima na si Rolando Egalin, security guard, residente ng Orchid st.,Purok 14,  Zone 6, Signal Village, Taguig City.

Hinihinalang si Ricardo Sismuan, katrabaho ng biktima, ang responsable sa pagpatay sa huli dahil hindi na ito mahagilap sa lugar matapos ang insidente.

Sa report ni PO3 Giovanni Valera, dakong ala-una ng madaling araw nang  maganap ang pananaksak sa biktima sa loob ng 902 Compound Pier 2 North Harbor,Tondo Maynila.

Ayon kina Gil Imaculata at Darry Orbiso, katrabaho ng dalawa na nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa ng komprontahin at pagbintangan ni Sismuan si Egalin tungkol sa kanyang nawawalang cell phone.

Sinita pa umano nila ang dalawa bago sila magbalik sa kani-kanilang gawain.

Ngunit nagulat na lamang si Orbisa habang nililinis niya ang isang container van ay nakita niyang duguang nakasubsob sa sahig ang biktima at humihingi ng tulong.

Agad na isinugod sa Gat Andres Hospital ang biktima, subalit idineklarang dead on arrival.

Bagama’t walang nakakita sa pananaksak kay Egalin ay malakas ang hinala nilang si Sismuan ang sumaksak dito dahil hindi na ito mahagilap pagkatapos ng krimen.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply