Sen. Lacson lalantad

TINITIYAK ang paglantad ngayon ni Sen. Panfilo Lacson upang mapagtanggol ang kanyang sarili sa kasong double murder case.

Ito ang pahayag ng abogado ni Lacson na si Atty. Alex Avisado dahil matagal na umano nila itong hinihintay upang mabigyan ng oportunidad  ang Senador na maipatanggol ang kanyang panig.

Sinabi ni Avisado na oportunidad lamang ang hinihintay ni Lacson upang maisiwalat ang katotohanan.

Samantala, inaasahan na ng state witness na si dating Supt. Glenn Dumlao  ang pagbabasura ng kaso laban kay Lacson noon pa man.

Idiniin muli ni Dumlao na nasa Malacañang ang mastermind sa pagpaslang kina PR man Salvador “Bubby” Dacer at driver nito na si Emmanuel Corbito. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply