Senador Lacson kinampihan ni Chiz sa pagbasura ng kaso sa CA

NAKAKUHA ng kakampi si Senador Panfilo “Ping” Lacson laban sa haka-haka ng ilang sektor na kaya naibasura ng Court of Appeals (CA) ang kasong double murder at pagbawi sa warrant of arrest dahil kaalyado ng puganteng senador si Pangulong Benigno Aquino III.

Sa panayam sa Senado,  sinabi ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na dapat igalang ng lahat ng sektor ang desisyon ng CA sa kasong double murder ni Lacson dahil hiwalay na sangay ng gobyerno ang hudikatura.

“Dapat igalang natin ang naging desisyon ng CA,” ayon kay Escudero.

Nauna nang inihayag ni dating whistleblower Mary “Rosebud” Ong na hindi siya nagugulat sa naging desisyon ng CA dahil kilalang kaalyado ng Pangulong Noynoy Aquino si Lacson, bukod pa sa mayaman at makapangyarihan ang senador.

“Mahirap mag-akusa sa mga miyembro ng Court of Appeals.  Pero kung may ebidensiya siya(Ong), ibang usapan na yan,”paliwanag ni Escudero.

Nilinaw din ng senador na hindi supporter ni Pangulong Aquino si Lacson kaya nakalulungkot ang mga insinuwasyon na naimpluwensiyahan ang desisyon ng CA.

“Hindi naman siya (Lacson) nangampanya kay Noynoy,” ani Escudero.

Samantala, sinabi naman ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na matatagalan pa bago lumabas sa publiko si Lacson matapos magdesisyon ang government prosecutor na maghain ng motion for reconsideration.

“Hindi pa siguro, may MR na ipa-file eh,” katuwiran ni Sotto na nasasabik nang makasama sa Senado si Lacson.

Oras na lumitaw si Lacson, maaari nang pabuksan ang opisina nito sa Senado na ikinandado noong Oktubre 2010 sa utos ni Senate President Juan Ponce Enrile.  Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply