Senate probe sa AFP scandal sinuspinde na

PANSAMANTALANG inihinto na ng Senado na ang imbestigasyon kaugnay sa anomalya sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang napagkasunduan nina Senate President Juan Ponce Enrile, Senate justice committee chairman Francis Escudero, Majority leader  Sen. Tito Sotto at Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada matapos ang pagpapakamatay ni dating AFP chief Angelo Reyes, na pangunahing isinangkot sa katiwalian sa militar.

Ang pagsuspinde sa pagdinig ay bilang pakikidalamhati ng Senado sa pamilya ni Reyes.

Iaanunsyo na lamang umano kung kailan itutuloy ang nakatakda sanang imbestigasyon ng Senado sa susunod na linggo. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply