Senator Bongbong Marcos panauhing pandangal sa Pamulinawen Festival

DADALUHAN ni Sen.  Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.  ang  dalawang mahalagang okasyon sa Hilagang Luzon sa darating na Sabado at Linggo, Pebrero 5-6, 2011.

Kabilang dito ang pagiging panauhing pandangal sa Pamulinawen Festival sa kanyang lalawigan sa Laoag City  bukas ng gabi.

Panauhin din ang mambabatas sa  pagbubukas ng Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) Meet sa La Trinidad, Benguet sa Pebrero 6, 2011.

Ipinagdiriwang ang Pamulinawen Festival sa karangalan at Kapiyestahan ng patrong si St. William, the Hermit, na nagsimula noong Pebrero 2 at magtatapos sa Pebrero  11, 2011 sa pamamagitan ng  bonggang parada ng mga bulaklak at pagsayaw ng mga deboto sa gitna ng lansangan.

Inaasahang ang malugod na pagtanggap ng libo-libong kababayan sa kanilang popular na lider na si Sen. Marcos, chairman,  Senate Committee on local governments; at Senate committee on urban planning, housing and settlements.

Magsisilbing panauhing pandangal si Sen. Marcos sa Kalayaan Philippines– Hawaii International Night na gaganapin sa City Multi-Purpose Center dakong 7:00 ng gabi, Pebrero 5, 2011. Pararangalan ang mga natatanging mutya ng pagtitipon na sina Miss Georgette Miranda bilang Kalayaan Miss International at Miss Gabrielle Hernanderz bilang Miss Young Maharlika Philippines.

Sa Linggo, Pebrero 6,  dadalo rin si Sen. Marcos sa 23rd CARAA Meet na gaganapin sa Benguet Sports Complex, Wanghai, La Trinidad, Benguet bilang panauhing pandangal sa pagbubukas ng kompetisyon na may temang: “Sparkling Passion, for Sports; Building Champions”.

Bilang isang lider ng bansa, inaasahang pahahalagahan ni Sen. Marcos ang natatanging kontribusyon ng mga Ilocanos sa katatagan ng bansa at hihimukin niya ang hanay ng mga kabataan na ipagpatuloy ang pagiging aktibo at paglahok sa pribado at publikong aktibidad upang maging kampeon sila, hindi lang ng kanilang sariling mithiin, bagkus ay maging kampeon sila sa pagbabago ng lipunan tungo sa pambansang kaunlaran.Linda Bohol

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply