Sex sa Boracay, bawal na

INIHAIN na ang ordinansang nagbabawal sa sinuman na magtalik sa dalampasigan ng Boracay.

Ang panukala ay inihain  si Jonathan Cabrera, Malay sangguniang bayan member, matapos maglabasan ang video na huling nagtatalik ang ilang mga dayuhang turista sa front beach noong Bagong Taon, Enero 1 2011,

Ayon sa panukala, iminumungkahi ang multa na P2,500 sa sinumang mahuhuling nagtatalik sa mga pampublikong lugar sa Boracay.

Bagamat may municipal ordinance na nagbabawal sa mga iskandalosong gawain,  kailangan pa ring ma-modify ang kahulugan nito lalo na ang pagbabawal sa isla ng Boracay kung saan dumadami ang insidente ng mga pagtatalik sa pampublikong lugar, partikular na sa mga dalampasigan.

Sinabi ni Cabrera na umaasa siyang maisasabatas ang kanyang panukala matapos ang mga deliberasyon.

Kilalang mga konserbatibo ang Filipino kaya naman ang panukalang ito makatutulong sa pangangalaga ng kultura at moralidad ng mga Pinoy,

Sa kabilang banda, dapat na makilala ang Boracay bilang wholesome family destination.

Samantala, nasa committee on laws and ordinances ng sangguniang bayan ng Malay ang nabanggit na panukala na nakatakdang pag-aaralan ng komite. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply