Shabu tiangge sinalakay ng NBI, 18 tiklo

NALAMBAT ng mga ahente ng National Bureau of INvestigation (NBI) ang 18 pinaghihinalanaang drug pusher at user sa isinagawang pagsalakay sa sinasabing shabu tiangge na umano’y dinadayo ng mga call center agent sa Quezon City.

Ang ni-raid ng NBI ay ang 125 Libyan Street, Salam Compound, Culiat, Tandang Sora, Quezon City.

Nalaman na ang naturang shabu den ay ang-ooperate bilang “one-stop-shop” dahil sa sistemang kailangan gamitin ang droga sa lugar pagkatapos na mabili.

Nabatid sa NBI na mayroong 40 drug user kada oras ang akyat-panog sa nasabing shabu tiangge.

Nakakumpiska ang NBi ng hindi pa malamang halaga ng pera at shabu paraphernalias sa isinagawang pagsalakay.

Ang mga parukyano umano ng nasabing shabu tiangge ay mga estudyante, guest relation officers (GRO), subalit mga call centers umano ang pinakamaraming parukyano ng sinasabing drug den.

Ang mga nahuli ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply