Shabu tiyangge sa Kyusi sinalakay, 7 arestado

SINALAKAY ng operatiba ng Philippine Drug Enfocercemeng Agency (PDEA) ang dalawang shabu tiyangge sa Barangay Pinyahan, Quezon City, Miyerkules ng umaga, Pebrero 16.

Sa ulat ng PDEA, unang sinalakay ang isang squatter area sa NIA Road, Bgy. Pinyahan, na may shabu tiangge dakong 11 ng umaga.

Nabatid pa sa ulat na matapos ang pagsalakay ay isinunod naman na ni-raid ng PDEA ang Maunlad st., Brgy. Pinayahan, sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Amor Reyes Branch 21 ng Manila Regional Trial Court.

Target umano ng search warrant sa pagsalakay sa Maunlad st., Bgy. Pinyahan, ang mga hinihinalang suspek na sina Jonjo Anoba, alyas Jonjo at Juvy Orgonio, alyas Jovy.

Nakakumpiska ang awtoridad ng hindi pa mabilang na dami ng droga at iba’t ibang drug paraphernalla.

Dalawa ang nadakip sa pagsalakay. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply