Shell, Petron nagbaba ng presyo ng LPG

IBINABA na ng mga pangunahing oil firms ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) products.

Ayon sa report ng dzBB, nag-rollback ng P2.50 kada kilogram (kg)  ng LPG ang Shell at Petron habang P1.00 naman ang ibinaba ng  LPG Marketers Association (LPGMA) kada kg ng nasabing produkto.

Matatandaang sinabi ni LPGMA party list Rep. Arnel Ty na magbababa ng presyo ang naturang produkto ngayong Pebrero.

“Ang presyo ng LPG sa international market talagang pababa ang aming forecast. Mararamdaman ito ng consumer sa Pebrero,” ayon kay  Ty sa isang panayam ng  dzBB noong Enero.

“Yan sigurado yan sa Pebrero pababa ang presyo kasama ang local price, pero kung malaki ang ibabagsak sa international market price sa kalagitnaan ng January siguradong di na paabutin ito ng Pebrero at January, mga third or fourth week of January ibababa ang presyo,” ayon pa kay Ty. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply