Sheree, Ciara nagpatalbugan sa Pole Dancing

MAY TAGISAN ngayon sa paglalambitin sa pole o mas ‘in’ sa tawag na ‘pole dancing’ sa pinakabagong local run ng sikat na stage play sa Broadway, ang “RENT” na ngayong ay mapapanood on weekends sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City.

Bilang Mimi Marquez, ang bidang babae na biktima ng AIDS at isang pole dancer sa Cat Scratch Club ay magka-alternate na ginagampanan ito nina Sheree Bautista (Sheree of Viva Hot Babes) at Ciara Sotto na katatapos lang nitong gumanap sa local theater production ng ‘Magsimula Ka!’

Sa isang interview kay Ciara, sobra siyang na-thrill nang ialok sa kanya ang role.  Malaking challenge sa kanya na gampanan ang role ng bida and at the same time, maipapakita na nito ang kanyang pole dancing skills na pinag-aralan pa nito sa Las Vegas.

Si Sheree ang nakasalang noong press preview kaya sa kanya naka-sentra ang mga tanong pagtapos ng palabas. ‘Sosyal’ ang tamang showbiz lingo na itawag sa kanya ngayon  mula sa kanyang kanta’t giling days with the Viva Hot Babes.

Ngayon, nag-level-up na siya into a stage actress and to prove na isa na siya sa main cast ng nasabing Broadway hit.

Inamin ni Sheree na matagal na nitong pangarap maka-arte sa stage at hindi naging madali ang pagkapasok nito sa Rent.  Sa unang audition ay hindi siya na-qualify dahil nakulangan ang production sa ipinakita nitong akting.  Sa tulong ni Gian Magdangal, ang kanyang real live-in partner for four years now at bida sa ‘Rent’ bilang Roger Davis, na hindi  nagsawang nagbigay sa kanya ng moral support ay malaking tulong kaya nakuha nito ang minimithing papel na Mimi.

Ayon kay Sherre, sa parteng pole dancing siya sobrang nahirapan. Malaki ang pagpapasalamat niya kay Ciara dahil ito ang matiyagang nagtuturo sa kanya ng pole dancing.

Inamin nitong nangitim ang kanyang dalawang hita at kinakailangan nitong naka-tigh pants sa kanyang mga eksena dahil masagwang tingnan sa stage ang pangingitim ng hita.

“Pero hindi ‘yan ang mahirap na parte,” tsika nito.  “May mga pagkakataong ‘war’ kami niyan (Gian) kaya minsan nahihirapan ako makipag-eksena sa kanya pero carry naman kasi we’re actors. Kapag nasa stage na kami, ang sweet namin, naghahalikan.  Kainis, kaya nawawala ang galit ko sa kanya.  Sweet uli kami.”

May eksenang torrid kissing ang dalawa kaya natanong namin kung may pagkaiba ba ang kanilang halikan sa stage at sa tunay na buhay.  Nagtawanan na lamang silang dalawa na magkatabi ng mga sandaling yun.  “Hindi na kami nagkakailangan, sanayan lang ‘yan eh.  Kaya lang, kung may kung LQ kami during our play at maghahalikan kami, nawawala ang inis ko sa kanya.  Nai-inlove uli ako sa kanya.

Kasama sa cast ang isa pang mang-aawit na si OJ Mariano sa papel na isang computer genius at dito ay may lover siyang isang gay na napakahusay na ginagampanan ni Bob Bautista.  May eksena silang halikan, kaya natanong namin siyang pabiro kung sa stage lang ba siya nakipaghalikan sa stage.  Tawanan.  Namula silang dalawa.  “We are just doing the role,” sambit ni OJ.  “Kailangan i-feel kasi ang aming role kaya kung ano ang hinihingi sa storya, ginagawa namin.”

*****

Blind item: Aktor mga ‘give-away’ ang pambayad sa ‘service’ sa kanya

NAG-SWEAR to heaven ang isang serbis boy na hinding-hindi na siya babalik sa isang aktor na kanyang “sineserbisan.” Sa una ay sobrang-saya nito dahil umaasa siyang malaking kikitain nito sa kanyang pagse-service dahil alam niyang mayaman ang aktor.

Alam nitong mapera ang aktor dahil may mga product endorsement ito, may teleserye at may pelikula.  Alam din nitong in-demand sa local shows at pati na abroad. Kaya naman, talagang ginalingan nito ang pagse-service kahit pakiramdam nito ay hindi siya tipo ng aktor.  Hanggang hawak lang daw ang aktor at hindi nakikipaghalikan pero alam daw nito, sabi ng kanyang kaibigan na nag-refer sa kanya sa aktor na sumisisid din daw ito.

To make the story short, noong una at pangalawa ay masaya na siyang umuuwing may dalang polo shirt, pants at sapatos pero noong ikatlo na daw na pagseserbis ay tinapat na nito ang aktor na pera naman ang ibigay sa kanya dahil nagta-taxi siya papunta sa bahay ng aktor at kaya siya nagse-service ay dahil nangangailangan siya ng pera.  The poor boy, barya lang daw ang ibinigay ng aktor kaya tulad ng nasabi namin sa una, nag-swear to heaven ito na never siyang babalik sa aktor.  Alex Datu

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply