Si Gov ang ninong sa korap na Laguna towing service

ANG “buwayang towing services” ng Brgy. Turbina, Calamba City, Laguna ay walang ginawa kundi ang mangotong sa mga motorista sa lalawigan.

Palibhasa wala raw  ipinangangahas ang tarantadong may-ari ng Doble 88 Towing Service na si Arturo Landicho kundi si Laguna Gov. E.R. Estregan.

Malaki raw ang utang na loob ni Gov. E.R. sa kanya kaya kahit  mangotong ang mga bata nito sa mga motorista ay okey lang.

Ipinamamalita pa niya na siya ang nagpuwesto kay Supt. Gilbert Cruz na maging PD  ng Laguna.

Basahin natin ang nilalaman ng reklamo ng isa sa mga kinotongan ng mga ito.

Ako po ay si Abel, operations manager ng Rc Cola rito, ang ruta ng truck ko at driver sa Calamba City. Hinuli ang truck  ng tao ko ng Doble 88 Towing Service sa Brgy. Turbina, Calamba City, Laguna. Pero nang walang maibigay na pera ang driver ko ay tatlong kahon ng softdrinks ang kinuha ng jeep na kulay dilaw na service nila na pag-aari ng taga-Alabang na si Arturo Landicho. Bata raw siya ni Gov. E.R. Ejercito Estregan, ng Laguna Capitol, at protektado raw siya ng hepe ng Laguna Traffic Management Office  chief Rabago. Kahit wala siyang business permit sa Calamba City ay wala naman daw problema  dahil malaki raw ang utang na loob sa kanya ni Gov.E.R. Kaya ganun na lang siya kung mangotong. Sabi pa ni Landicho, siya ang nagpuwesto kay Col. Gilbert Cruz  na PD ng Laguna kaya kahit mangotong si Landicho wala raw problema.

Loteng operation sa Balayan, tuloy

Patuloy ang operation ng “loteng” ng alyas Armalite sa Balayan. Hindi kumikilos ang pulisya rito dahil malaki ang ibinibigay ni alyas Armalite na  protection money. Puliiiis!!!

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 0918-9274764, 09266719269 o e-mail sa juandesabog @ yahoo.com.-Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply