Siga tinambangan, kritikal

ISANG siga ang nasa malubhang kalagayan sa pagamutan matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin nitong Lunes ng madaling araw sa dumpsite sa Barangay Catmon, Malabon City.

Ang biktma ay nakilalang si Frederick Austria, alyas Jek-Jek, ng 127 Briones st., Barangay Tugatog sa nasabing lungsod.

Kasalukuyang ginagamot sa Tondo Medical Center si Austria matapos itong magtamo ng dalawang tama ng punglo sa katawan mula sa hindi pa nababatid na kalibre ng baril.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang salarin, na nakatakas dala ang ginamit na sandata.

Ayon sa imbestigasyon ni P02 Patrick Alvarado ng Station Investigation Division (SID), ganap na ika-2:30 ng madaling araw nang tambangan ng salarin ang biktima.

Naglalakad umano ang biktima pauwi sa bahay nang bigla na lamang umalingawngaw ang dalawang putok.

Nakabulagta at duguan na si Austria nang matagpuan ni Jonathan Aventulado, isang barangay volunteer, ang biktima, na agad niyang itinakbo sa nasabing pagamutan.

Napag-alaman na patung-patong ang mga kasong kinakaharap ni Austria sa iba’t ibang presinto ng pulisya.  Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply