Silva naidepensa ang korona

LAS VEGAS – Napanatili ni Anderson Silva Ultimate Fighting Championship (UFC) middleweight title matapos patumbahin sa unang round ang kapwa Brazilian na si Vitor Belfort sa main event ng UFC 126 sa Mandalay Bay Events Center.

Matapos maggirian sa kaagahan ng laban, nagpakawala si Silva ng straight front kick gamit ang kaliwag paa na solidong tumama sa baba ng katunggali.

Nagpakawala pa ng magkakasunod na suntok ni Silva sa bumagsak na si Belfort bago tuluyang itigil ni referee Mario Yamasaki ang laban, 3:25 pa ang nalalabi sa unang round.

“That’s one of the strikes I was working on, but I was focusing on various kicks and attacks,” ani Silva.

Susunod na makakalaban ni Silva si UFC welterweight champion Georges St. Pierre kung sakaling maidedepensa ng huli ang kanyang korona laban kay Jake Shields sa April 29 sa UFC 129 na gaganapin sa Toronto, Canada.

Ito ang ika-13 sunod na panalo ni Silva na siyang longest-reigning champion sa kasaysayan ng UFC. Na-extend din niya sa walo ang kanyang record na successful title defense.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply