Silver anniversary ng People Power I ipinagdiriwang ngayong araw

IPINAGDIRIWANG ngayong araw, Pebrero 25 ang ika-25 anibersaryo ng EDSA People Power revolution.

Pinangunahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang selebrasyon sa pamamagitan ng flag raising ceremony pasado ala-siyete ng umaga.

Kasunod nito ay ang  pagbibigay ng Pangulo ng talumpati at paglaladlad ng streamer kung saan nakasaad ang temang “Tatak EDSA 25: Pilipino ako, ako ang lakas ng pagbabago” at ang pagpapasinaya sa People Power Monument Marker.

Sa talumpati ni Aquino, kanyang binigyang buhay at sinariwa ang mga kaganapan noong isailalim ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Pilipinas sa Martial Law at kung paano ito nilabanan ng sambayanang Filipino para mailuklok ang kaniyang ina na si dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino.

Sinabi niya na nananatiling buhay ang people power at hindi nagtapos noong Pebrero 1986.

Panawagan din niya na laging alalahanin ang tunay na diwa ng people power — ang pagkakaisa.

Inimbitahan sa pagsisimula ng pagdiriwang sina Manila Mayor Alfredo Lim, dating Pangulong Fidel Ramos, Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at dating Pangulong Joseph Estrada.

Mamayang 12 ng tanghali naman magaganap ang “salubungan” o pagsasadula ng people power. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply