Simbahan at taumbayan kapit-bisig laban sa motel

WOW!

Magkakapit-bisig daw na tinututulan ng simbahan, eskuwelahan at mga residente ng dalawang barangay sa Quezon City ang pagtatayo ng isang “motel” sa kanilang lugar dahil sa isyu ng moralidad.

Tutol umano ang Apostolic Catholic Church, isang Orthodox at Roman  Catholic Church sa Edsa, Brgy. Veterans sa itinatayong motel sa tapat lang ng kanilang simbahan.

Sinabi ni Prof. Arsenio Organo, adviser ng Apostolic Church, na ang motel sa Edsa, Brgy. Magsaysay ay nasa tapat lang ng kanilang simbahan at lumalabag daw sa Building Code of the Philippines ang pagtatayo rito.

Bukod dito, kalapit din ng motel ang dalawang eskuwelahan sa barangay gaya ng Quezon City Academy  at San Francisco High School.

Nabatid na pag-aari ng NICE Motel ang motel.

Nauna nang sinabi  ni Rev. Father Antonio Aragon ng Apostolic Church  ang kanilang mariing pagtutol sa pagpapatayo ng motel.

Ang concern ng mga taga-simbahan ay ang moralidad at ang epekto nito sa mga kabataan.

Nabatid pa kay Organo na may nakuha silang ulat na wala umanong permit ang itinatayong motel na ito mula sa Department of Public Works and Highway sa QC.

Hinihiling din nito na dapat mabusisi ang naturang motel para mapahinto ang pagpapatayo nito.

Bookies ng STL walang tigil

Ang bookies ng STL ni Mildred sa Nasugbu, Batangas ay patuloy ang operation nito.

Hindi kumikilos sina Nasugbu COP Supt . Antonio Malabanan at Mayor Antonio Barcelon.

oOo

Anomang reklamo o puna, itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.-Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply