Sindikato sa drug courier tinututukan ng NBI

PATULOY ng tinututukan ng National Bureau Of Investigation (NBI) ang West African Drug Syndicate na bumibiktima sa mga overseas Filipino worker (OFW) na ginagamit bilang mga “drug courier.”

Ayon kay NBI Deputy Director For Intelligence Service Ruel Lasala, pangunahing target nila ang West African drug syndicate na sangkot sa recruitment ni Sally Ordinario-Villanueva.

Sinabi din ni Lasala na bukod sa drug trafficking, sangkot din ang grupo sa card fraud, investment scams at paggawa ng counterfeit money.

Binigyang-diin ni Lasala na bukod sa pag-aresto at pagbuwag sa sindikato ay kanila rin aalamin kung papaano nakakalabas ng bansa ang drug mules tulad ng tatlong Filipino na nakatakda na sanang mabitay sa linggong ito.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na rin umano sila ng imbestigasyon sa Bureau of Immigration (BI) at airport personnel makaraang makalabas ng bansa ang nasabing mga OFW.

Nauna rito, ipinahayag ni Justice Secretary Leila de Lima na may mga airport personnel na responsable sa pagkapuslit ng tatlong OFW dahil nabigo silang ma-detect ang dalang droga palabas sa bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply