Sinermunan ni tatay, dalagita lumaklak ng silver cleaner tigok

HINDI matanggap ng 17-anyos na dalagita ang sermon ng ama, kaya minabuti nitong kitlin ang sariling buhay sa pamamagitan ng paglagok ng silver cleaner, sa Port Area, Manila, iniulat Miyerkules ika-2 ng Pebrero ng hapon.

Nagawa pang maisugod sa Mother & Child Hospital si Jenny Rose Aspe, ng Baseco Compound Port Area, pero binawian din ng buhay.

Sa ulat, 11 ng umaga ng Miyerkules nang marinig ng lola ng dalagita na umuungol ito at hawak ang botelya ng silver cleaner.

Agad namang humingi ng tulong ang matanda sa kanyang mga kapitbahay kaya naisugod pa sa pagamutan si Aspe, pero nabigo ang mga manggagamot na maisalba ang kanyang buhay.

Nabatid sa report ni Det. Tajonera, bago ang pagpapatiwakal ng dalagita, naikuwento pa umano nito sa kanyang mga kaibigan na malimit siyang pagalitan ng kanyang ama, hinalang dahilan ng pagpapakamatay nito. Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply