Singson hinatulan ng isa’t kalahating taong pagkakulong

HINATULAN ng isang taon at anim na buwan na pagkakakulong si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson sa kanyang kasong drug trafficking sa Hong Kong, Huwebes, Pebrero 24.

Nauna nang kinatigan ni Wan Chai District Court Judge Joseph Yao ang alibi ng mambabatas na para sa ‘personal na konsumo’ lamang ang narekober na cocaine sa kanya ng awtoridad.

Gayunman, hindi napaniwala ni Singson si Judge Yao sa pahayag sa korte na isa siyang drug addict at tinukoy ng hukom ang disposisyon ng akusado bilang negosyante at kongresista.

Batay sa ipinalabas na sentensiya, isang taon at apat na buwang pagkakakulong ang hatol sa cocaine possession at karagdagang dalawang buwan naman na jail term para sa nakuhang derivative drug.

Una nang naghain ng guilty plea ang kongresista sa kaso.

Kasama ng mambabatas na dumalo sa pagdinig ng korte ay ang ama nito na si Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson, ina na si Evelyn, mga kapatid at girlfriend na aktres na si Lovi Poe.

Gwenn Salamida

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply