Singson nagpasa ng guilty plea sa drug trafficking case sa Hong Kong

NAGHAIN na ng guilty plea si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson  makalipas ang ilang buwan nang mahulihan siya ng iligal na droga sa Hong Kong.

Nagpasa ng guilty plea si Singson sa Wan Chai District Court sa Hong Kong.

Inamin ni Singson sa kanyang testimonya na siya ay nalulong sa droga mula nang gumamit ng cocaine noong 2004.

Ayon pa sa testimonya ni Singson, naglabas-masok siya sa ospital noong 2007 nang ma-diagnose na mayroon siyang severe depression.Inamin rin niya na noong 2010 ay gumagamit siya ng apat hanggang limang gramo ng cocaine.

Bingyang-diin ni Singson sa kanyang pag-amin sa kasong drug trafficking  na ang nahuling droga sa kaniya ay intensyong gamitin at hindi para ibenta.

Ibinulgar din Singson na isang Benjie Leobin ang nagsusuplay sa ng iligal na droga.

Samantala, hindi dumating ang kanyang ama na si Chavit Singson, Ilocos Sur governor, sa court hearingn at ang nobyang Lovi Poe. Bineza Zapanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply