Singson, posibleng mapawalang-sala?

SA PAGPAPATULOY ng pagdinig sa kasong drug trafficking na kinakaharap ni Ilocos Sur Rep. Ronald Singson, kinatigan ni Wan Chai District Court Judge Joseph Yao ang alibi ng mambabatas na para sa ‘personal na konsumo’ lamang nito ang narekober na cocaine sa kaniya ng mga otoridad.

Gayunman, hindi napaniwala ni Singson si Judge Yao sa pahayag nito sa korte na isa siyang drug addict at tinukoy ng hukom ang disposisyon ng akusado bilang isang negosyante at kongresista.

Binanggit ng court official na imposibleng paniwalaan ang testimoniya ni Singson na komukonsumo ito ng hindi bababa sa 4 na gramo ng nasabing droga kada araw.

Samantala, malaki ang paniniwala ni Vigan City Vice Mayor Ryan Singson, nakababatang kapatid ng kongresista na papabor sa kanila ang magiging hatol ng Hong Kong Court sa kinakaharap na kaso ng kapatid.

Sa isang panayam sinabi nito na kampante sila na makakauwi rin si Cong. Singson sa Pilipinas upang maipagpatuloy ang kanyang naiwang trabaho.

Nagpasalamat din ang nakababatang Singson sa mga mambabatas na nagbigay suporta sa kanyang kapatid, kahit may mga humihiling na mag-resign na ito bilang congressman.

Alas dos y media ng hapon bukas, Huwebes, Pebrero 24 ay inaasahang maipapalabas na ang pinal na desisyon sa kaso laban sa mambabatas matapos itong mag-hain ng guilty plea sa naturang kaso.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply