Sistema ng edukasyon sa public shools susubaybayan

UPANG matiyak ang kalidad ng edukasyon sa bansa, isinulong ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang pagmo-monitor sa sistema ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan.

“It is necessary to assess students, teachers and school programs to gauge the quality of education in the country,” ayon kay Rodriguez.

Magkasamang inihain nina Rodriguez at kapatid na si Abante Mindanao Partylist Rep. Maximo Rodriguez Jr. ang House Bill 1657 na lilikha sa National Educational Assessment and Evaluation Authority(NEAEA).

Ito ang pangunahing susubaybay sa uri ng edukasyon at kung gaano ito kaapektibo.

Nakapaloob sa panukala na baguhin ang National Education Testing and Research Center at sa halip ay maitatag ang National Education Assessment and Evaluation Authority.

“The NEAEA will improve the delivery of quality education and strengthen the linkage between the educational system and the country’s vital economic and industrial sectors,” banggit pa sa panukala.

Ang NEAEA ang siyang magde-develop ng achievement tests na ipatutupad bago matapos ang Grade IV, Grade VI at fourth year high school at sa aptitude tests na isasagawa naman sa second year high school.

Ang NEAEA ay kabibilangan ng Authority Board, technical at administrative staff at ilang personnel na ang tanggapan ay nasa ilalim ng Office of the President. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply