SLEX toll hike at jeepney fare hike tuloy na

MAKARAAN ang pagpapatupad ng ikalawang installment na dagdag singil ng South Luzon Tollway Corporation sa SLEX, ipatutupad naman ng ilang transport group ang P1 singil sa pasahe sa jeepney simula ngayong Miyerkules.

Sinabi ni National president ng Pasang Masda na si Obet Martin, provisional lamang ang dagdag na singil at maaaring boluntaryo o kusang loob uli silang magbaba kung magkakaroon ng rollback sa presyo ng krudo.

Tulad ng inaasahan, masaya na rin ang iba pang jeepney drivers at operators sa dagdag pasahe pero hiling sana nila ay mas mataas pa.

Sa ilalim ng bagong minimum fare na inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), P8 na ang minimum na pasahe sa pampasaherong jeep sa Metro Manila at sa buong Luzon habang P7.50 naman sa Visayas at Mindanao mula sa dating P6.50.

Umalma naman ang National Council for Commuters Protection (NCCP) sa pagtataas sa pamasahe ng mga jeep.

Ayon sa NCCP, ni hindi man lamang umano dumaan sa public hearing ang hakbangin ng LTFRB kaya balak nilang maghain ng apela.

Nagpaliwanag naman ang ilang transport groups na ibinabalik lamang nila ang 2008 na inaprubahan ng LTFRB kaya hindi na nagkaroon ng public hearing.

Sinabi ni LTFRB Chairman Nelson Laluces na provisional lamang ang naturang pagtataas kaya hindi na kailangan ng pagdinig ukol dito o ng 15 araw publication period. Johnny F. Arasga/Amor Virata

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply