Smart-Gilas magpapasikat sa PBA

BASE sa mga tune-up games ng Smart-Gilas Pilipinas laban sa mga top PBA teams, maituturing itong pahiwatig na magbibigay ng magandang laban ang National Team sa pro-league sa gaganaping PBA Commissioner’s Cup.

Pinatumba ng Smart-Gilas ang Alaska Aces, San Miguel Beermen at Meralco Bolts bago makatabla sa crowd darling Barangay Ginebra.

Sa pagsalang sa una nilang laro, makakatunggali ng Smart-Gilas ang Talk N’ Text sa Ynarez Center sa Pasig City sa Pebrero 25.

Ipaparada ni coach Rajko Toroman sa pagsalang sa pro-league sina team captain Chris Tiu, assistant skipper Mark Barroca, Mac Baracael, Jason Ballesteros, Dylan Ababou, Marcio Lassiter, Chris Lutz at ang 6’10” naturalized player na si Marcus Douthit.

Pansamantalang wala sa team sina 7-footer Greg Slaughter at forward Aldretch Ramos na inaasikaso ang pag-aaral sa Ateneo University at Far Eastern University, ayon sa pagkakasunod.

Hindi rin makalalaro sina point guard JV Casio na may bahagyang pinsala at ang 6’9” forward na si Japeth Aguilar na nagpapagaling sa pinsala sa tuhod na nakuha noong Nobyembre bago ang Asian Games sa Guangzou, China. RT

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply