Smart-Gilas pasok na sa PBA

PLANTSADO na ang paglalaro ng Smart-Gilas Philipinas sa PBA Commissioner’s Cup na sisimulan sa February 20 sa Araneta Coliseum.

Ang paniniyak ay ayon kay Smart-Gilas manager Frankie Lim kasabay ng pahayag na makasasama ng team ang 6’9″ na si Japeth Aguilar na patuloy ang unti-unting paggaling sa tinamong knee injury na nakuha sa paglalaro sa Guangzhou, China Asean Games noong 2010.

Ang Smart-Gilas ay binigyan ng PBA Board na makalaro sa professional league kasunod ng pagliban ng Barako Bull sa susunod na komperensiya. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply