Smuggling ng imported na asukal susugpuin

INIUTOS na ng sugar board ang pagpigil sa talamak na smuggling ng imported sugar sa bansa na ipinapalabas ng ilang importer na premix.

Ayon kay Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Gina Martin, ang premixes sugar ay uri ng food preparations na may asukal na may dagdag na flavoring o coloring.

Ang mga ito ay pinahihintulutang makapasok sa bansa na may mababa o hanggang sa zero tariff, hindi gaya ng imported sugar na subject sa 38 percent tariff.

Ang naturang hakbang ay kasunod ng reklamo ng Confederation of Sugar Producers Negros-Panay Chapter at National Federation of Sugarcane Producers dahil sa pagdami ng premixes sa bansa na nagpapahina ng benta sa domestically produced sugar na ginagamit ng industrial users.

Ayon kay Martin, nagpalabas na ang sugar board ng order na maghihigpit sa sistema sa pag-issue ng premix clearances gaya ng paggamit ng laboratory analysis upang makita ang kaibahan ng asukal sa premix. Gwenn Salamida

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply