So tabla sa Aeroflot chess championship

NAGTAMO na naman si Filipino Grandmaster (GM) Wesley So ng hard fought draw sa fourth round ng Aeroflot Open chess championship sa Hotel Gamma-Delte Sabado, Pebrero 12, sa Moscow, Russia.

Nakatabla ni So ay si GM Zhou Weiqi ng China sa 43 moves ng Caro-Kann defense tangan ang advantageous white pieces. Kapawa may two pawns, bishop o blak square at rook sina So at Zhou ng matapos ang kailang laro sa Group A.

Nakaipon na ang Bacoor, Cavite native ng total 1.5 points mula sa three draws at isang talo sa four outings. Nakisalo siya sa 55th hanggang 74th place kasama si fifth round opponent GM Stanislav Novikov ng Russia na tabla din kay countryman GM Boris Savchenko.

Sa Group B, tinalo ni GM John Paul Gomez si FM Pogos Nakhapetiane ng Russia habang binigo ni GM Darwin Laylo ang isa pang Russian na si IM Evgenij Kaleqin. Nakalikom ang dalawa ng tig 3.5 points para makisalo sa second place gaya nina GM Tigran Kotanjian ng Russia at GMs Wen Yang at Zhao Xue ng China.

Tabla naman si IM Richard Bitoon kay FM Grigory Oparin ng Russia, tabla din si IM Oliver Dimakiling kay IM Sergey Palov ng Ukraine habang binigo naman ni IM Oliver Barbosa si Dmitry Kurukin ng Russia.

Sa Group C, tabla din si reigning RP junior champion Paulo Bersamina kay Ivan Elishev ng Russia.

Nanatiling nangunguna pa din sina GM Le Quang Liem ng Vietnam at GM Alexei Gavrilov ng Russia sa Group A at B divisions na may perfect 4.0 points. Magkasalo naman sina WGM Ana Burtasova ng Russia at Bjarke Jensen ng Denmark sa liderato ng Group C sa tangang perfect 4.0 points. Liberty Icao

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply