Solar paparusahan ng PBA

ISANG linggo matapos lumundag sa bagong channel, may mga na-engkuwentro agad na problema ang Philippine Basketball Association sa coverage nito.

Ang pinakahuli ay ang laro sa pagitan ng Powerade at Alaska na isinahimpapawid sa pamamagitan ng delayed basis kung kaya’t umani ng batikos mula sa mga team at league officials at lalo na sa publiko.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nagtamo ang Studio 23 ng problema sa pagsasahimpapawid ng PBA games.

Sa opening game sa Laoag City noong Biyernes, hindi naipalabas ang isang bahagi ng laro sa pagitan ng Ginebra at Meralco.

Dahil dito, sinabi ni PBA commissioner Atty. Chito Salud na sa ginawang iyon ng Solar ay mapaparusahan ito.

“Under our contract, failure in part to air the games live equates to a penalty,” ani Salud at idinagdag na ang Solar ay una nang pinatawan noon ng P3-million penalty.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply