Solenn, madalas sa bahay ni Richard; Lovi ayaw pumunta ng Hong Kong

SI RICHARD Gutierrez ang only Valentine Box-Office King ng bansa at muli na naman niyang patutunayan ito sa bago niyang pelikula.

This time, hindi lang isa kundi apat ang kanyang leading ladies sa movie, namely Rhian Ramos, Lovi Poe, Eugene Domingo at ang nali-link sa kanya ngayong si Solenn Heussaff.

Madalas nagkikitang magkasama ngayon sina Chard at Solenn pero ayaw pang umamin ang aktor sa real score sa kanilang dalawa. “Hindi dapat minamadali ang love. At saka our movie is getting a lot of hype right now. Ayoko namang isipin ng mga tao na publicity stunt lang ‘yung sa amin ni Solenn. Let’s see if it develops,”bitin na sagot ni Chard.

Hindi naman itinatago ni Ruffa Gutierrez ang pagkagusto nito kay Solenn para sa kanya. Ipinu-push nga siya ng Ate niya dito. “Sinabi nga niya sa akin mismo na gusto niya si Solenn. Very open naman si Ate sa pagiging botong-boto niya kay Solenn.

“Actually, she (Solenn) is always in the house with Raymond. She’s really becoming a part of the family fast. Tingnan natin,”pahayag ni Richard na sinabayan niya ng napakatamis na ngiti.

***

Mukha namang confused si Lovi Poe pagdating sa lovelife niya ngayon mula nang nagbigay ng guilty plea ang boyfriend niyang si Cong. Singson sa drug charges na isinampa dito ng Hongkong police.

Hindi tulad dati na maluwag at mabilis siyang mag-comment tungkol kay Singson ngayon ay sarado ang bibig niya at kahit anong pilit ng press ay ayaw niyang magsalita ng kahit na ano tungkol dito.

Dito lang daw siya sa Pilipinas pagdating ng Valentine’s Day at wala siyang planong pumunta ng Hongkong. ‘Yun na! We could read between the lines naman.

Sa isyu namang baka may nagbabawal sa kanya na pumunta ng Hongkong, ito ang sagot niya. “I only decide for myself. Walang nagbabawal sa akin. I could do whatever I want to do.”

***

Talbog ni John Uy ang top 4 ng Star Factor dahil siya lang ang bukod tanging isinama sa kauna-unahang dramaserye ng TV5 na Babaeng Hampaslupa. At very vital ang role niya sa nasabing teleserye bilang kaisa-isang anak nina Jay Manalo at Bing Loyzaga making him the soleheir to the Wong family with patriach Freddie Webb.

Swak na swak naman ang role niya sa kanya dahil Fil-Chinese talaga siya sa tunay na buhay at super tsinito siya. Puring-puri nga sina Jay at Bing sa kanyang pinamalas na pag-arte. Sayang lang at wala siyang ka-loveteam dito at malalaman niyo sa istorya kung bakit. Anyway, kung may pagkakataon daw siyang mamili ng kanyang magiging kapareha in the future, si Jasmin Curtis daw ang no. 1 choice niya dahil crush niya ito.

Bukod sa Babaeng Hampaslupa, may isa pa siyang bagong show na Fantastiks na malapit nang mapanood every Sunday 2pm sa TV5. Kasama niya dito ang Top 4 ng Star Factor, plus Rico dela Paz na bestfriend niya sa showbiz. He recently signed an exclusive 3-year contract with TV5 kaya secure na ang kanyang career.

Aba, pwede na siyang ma-nominate bilang best new male TV actor sa darating na Star Awards For TV ng PMPC sa September!
***
No. 1 gag show pa rin ang Bubble Gang kahit ano pang hirit ng kalaban nito. For this week mawiwindang kayo sa spoof nila ng Machete, ang Masiyete. Nandiyan din ang commercial spoof nila ng Ulamlam nina Eugene Domingo at Fabio at Bilmoko gags.

Tingnan niyo ang Bagong Zodiac Sign na pinag-uusapan ng lahat. Sumbong ni Moymoy,Away-Bati kasi sina Cheche kaya Iniwan Si Lolo. Kaya abangan na lang Ang Duelo. Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply