Solon nagtataka sa di pagkakadawit ni GMA

NAHIHIWAGAAN si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares kung bakit sa haba at lawak ng imbestigasyon sa anomalyang naganap sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay hindi man lamang nabanggit kahit katiting ang pangalan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.

“With all that has been revealed in the Senate and Congress probes in the Gen. Carlos Garcia plea bargain agreement as well as the ‘pabaon’ and ‘pasalubong’ system in the Armed Forces of the Philippines, Arroyo remains unscathed,” giit ni Colmenares.

Ang ipinagtataka ng kongresista ay kung bakit ang isang commander-in-chief ay walang alam sa naganap na umano’y paglustay sa milyun-milyong-pisong pondo ng militar ng kaniyang mga chief of staff at iba pang kasabwat.

Umaasa si Colmenares na marami pang pagbubulgar ang magaganap kaalinsabay ng pagkamatay ni dating Defense Secretary Angelo Reyes sa halip na ito ay tuluyan nang mapagtakpan.

“We express sympathy to the family of Secretary Angelo Reyes and we hope his death, instead of closing venues toward the truth, will actually open more doors,” sabi pa nito.

Dagdag pa ng mambabatas: “I believe that with what happened, more whistleblowers will come out and we can finally learn the truth about the fullest extent of corruption in the AFP, and if higher government officials are also involved.” Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply