St. Clare binusabos ng Adamson

TINALO ng Adamson University pool sharks ang St. Clare College matapos itong ilampaso na parang basahan at tadyak-tadyakan na parang basang sisiw sa pagpapatuloy ng National Collegiate Billiards League na kilala rin bilang B-League na ginaganap sa Star Paper Billiards Center sa Quezon City.

Ginulat nina Falcon’s 9-ball wizard Kingford Llovit at 10-ball specialist Arvee Cabrera ang tandem nina Ritcy Gogo at Vennis Mariano sa kanilang magkahiwalay ng singles matches ng pwersahang paluhurin ang Saints upang masungkit ang matamis na 5-2 victories bawat isa.

Ang kambal na pagkatalo ang naglagay sa alanganin sa St. Clare at bumura sa maganda nitong record na 5-1 na panalo sa 8-ball double.

Sa kabila ng pagkatalo, nanatili pa rin sa tuktok ng standings ang Saints na may 61 points matapos durugin ang Fatima, 3-0.

Samantala, patuloy ang paghabol ng National University sa St. Clare matapos kumamada ng 56 points nang bokyain sa 3-0 ang Centro Escolar University.

Tumipa rin ng panalo ang PMI at UE kontra sa kalabang UM at Mapua.

Laking pasalamat naman ni Verna Mariano, B-League tournament director, dahil sa walang pagod na suporta  ng media sa liga.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply