Stores’ license sa Cavite, tumaas nang tumaas

TINATANONG ng mga store owner at iba pang establishment ng GMA, Cavite  kung bakit biglang nagdoble ang itinaas ng bayarin nila para sa lisensya ng kanilang mga tindahan.

Bakit daw hindi maipaliwanag ng munisipyo kung bakit dumoble ang itinaas ng kanilang mga lisensya? Anong klase ng pagko-compute raw ang ginagawa ng munisipyo?

GMA Mayora Ona Virata, kung maaari ay pakipaliwanag ninyo sa mga store owner kung bakit ganun kataas ang presyo ng  ibinabayad nila sa lisensya.

Basahin ninyo, Mayora, ang reklamo sa text message.

Gudpm, Sir Johnny. Gusto ko lang sana na ipaliwanag sa amin ng munisipyo ng GMA, Cavite  kung bakit doble ang itinaas ng lisensya ng mga tindahan dito sa GMA.

Last year kasi P3,000 plus lang pero ngayon ay P7,000 plus na yung sinisingil sa aming mga maliliit lang na tindahan na sari-sari store  na nagne-net lang ng P300.

Bakit ganun kalaki? Anong klaseng computation kaya ang ginagawa nila?

Pakigising naman po yung aming alkalde na si Mayora Ona Virata.

Salamat po!


VK  at bookies ng  STL pader

Sa Binan, Laguna, hindi pa rin daw tumitigil ang operation ng mga video-karera nina Boy Decena at pakner nitong nakilalang alyas Mon.

Hindi kumikilos maging si Mayor Lenlen Alonte at PD Supt. Gilbert Cruz para mapatigil ang mga vk nina Decena at Mon.

Samantala patuloy pa rin ang operation ng bookies ng STL ni Vic Siman sa  lalawigan ng Laguna.

Hindi rin mapatigil nina Mayor Alonte at chief of police nito na si Supt. Joel Pernito ang bookies ng STL ni Vic Siman dahil ipinagmamalaki ng huli na may “timbre” siya.

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.-Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply