Street criminals na pulis dapat din linisin

NGAYONG may pagwawalis sa mga sapot sa mga opisina at bodega ng mga heneral na militar, dapat ding isabay na walisin ang mga dumi ng mga pulis sa mga lansangan.

Sa mga sumbong sa atin ng mga drayber ng mga pampublikong sasakyan, grabe talaga ang pangongotong sa iba’t ibang paraan.

Sa mga terminal tumitiba ang mga iskalawag na pulis.

Binibilang nila ang mga dyip na regular na gumagamit ng mga terminal at bilang ng mga miyembrong dyip at drayber.

Alam ba ninyong P300 sa bawat dyip o drayber kaya ang puwersadong tongpats para hindi gaanong maharas ang mga drayber at operator?

Yung iba, nakapagtatakang araw-araw sa loob ng 365 araw na may nag-bebertdey sa mga pulis ng isang istasyon kahit na sasampu sila na nakadestino roon.

Kas en in kaynd ang gustong regalo ng mga buwisit na ito.

oOo

Kuwento naman ni Ms. Maranan ng Fejodap, haytek na ang pangongotong ng mga parak dahil ipinararaan na sa ATM ang tongpats.

Pero kung uusisain mo ito, operasyon ito ng mga opisyal ng pulis.

Yung mga pulis mismo sa kalsada, may sariling istayl sa panraraket. Sumisilip o gumagawa ang mga ito ng paraan para magmukhang violator ang drayber.

Por eksampol, magpapakarga sila ng katsokaran nilang drayber sa isang kanto sa tulong ng barker.

Kapag natrapik ang sumusunod na dyipni, ito ang huhulihin at titikitan ng obstraksyon. Kung umiwas naman ang dyipni at maapakan nito ang isang yellow line, bayolesyon naman ng trapik sayn ang ikakarga sa tiket.

Ang nakahahayblad pa, Suki, kumpirmado na may kota na huli ang mga pulis araw-araw upang kumita sila sa komisyon at kumita rin ang mga munisipyo.

PNoooy, wats hapening? Hu-Hu-Hu!- Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply