Suicide ginagawa para sa pagbabago

MAGKASABAY ang telebisyon at radyo na ating pinanonood at pinakikinggan kamakalawa nang umaga nang sumabog ang balita sa pagpapakamatay ni Heneral Angelo Reyes.

Hindi tayo makapaniwala sa iniulat ng isang kagawad ng Operation Tulong ng DZRH na itinatakbo si heneral sa ospital dahil nabaril daw.

Hindi natin binitiwan ang balita at dali-dali tayong kumonek sa ating mga kasamahan sa hanapbuhay at kaibigan.

Hindi pa tayo natatapos sa pagteteks, sumunod na ang balitang patay na si heneral. Sa huli, inihayag ng mga awtoridad na sariling baril ni Reyes ang pinangkitil niya ng kanyang buhay.

oOo

Biglang bumulwak sa kinakalawang nating utak ang ilang kasaysayan ng pagpapatiwakal.

Naalaala natin ang mga Koreano at Hapon na mahilig na mag-suisayd at magharakiri. Lalo na ang mga namumuno o may matataas na posisyon ng dalawang bansa.

Kabilang sa mga nag-suisayd si dating South Korean President Roh Moo-hyun dahil sa akusasyon sa kanya na nagbulsa ng nasa $6 milyon mula sa mga negosyanteng Koreano habang nakaupo siya sa kanilang Malakanyang.

Lumundag siya sa malalim na bangin para maging tiyak ang kanyang kamatayan.

Nagbigti naman si Japanese Agriculture Minister Toshikatsu Matsuoka ilang oras lamang bago siya imbestigahan sa paglustay ng nasa £120,000 para umano sa kanyang tubig at ilaw sa opisina samantalang libre naman pala ang mga ito.

oOo

Para sa mga Koreano at Hapon, nagpapakamatay ang mga ito sa kahihiyan at nagbubunga ito ng katapatan at pagmamahal ng mga opisyal sa kanilang tungkulin at bayan.

Ngayon, Suki, magbubunga rin ba ng maganda kay Juan at bayan  ang ginawa ni Hen. Reyes? Sey ninyo, huh?- Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply