Summer classes sa kinder tuloy – DepEd

MAHIGPIT na ipatutupad ng Department of Education ang kindergarten summer classes sa mga batang nasa edad anim na taon bago tumuntong sa Grade 1.

Sinabi ni DepEd Secretary Bro. Armin Luistro na layunin nilang maihanda ang mga bata na papasok sa elementarya at maiwasan ang pagtigil sa pag-aaral kapag nagsawa ang bata sa pagpasok sa eskuwelahan.

Bahagi umano ito ng Millennium Development Goal at Education For All na programa ng gobyerno.

Base sa pag-aaral na isinagawa ng DepEd, sinasabing mas malaki ang porsiyento ng mga batang tumitigil sa pag-aaral o nagiging drop-out ang hindi dumaan sa kindergarten.

Aniya, mataas ang ‘cognitive aptitude’ ng batang marunong nang bumilang, magbasa at magsulat. Jhie C.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply