Sunod-sunod na taas sa singil sa kuryente asahan

DAHIL sa utang  ng  Power Sector Assets  and Liabilities (PSALM) na umaabot  sa  US$15.8 bilyon ay  asahan na rin  ang  mas  marami pang  pagkakataong  pagtataas ng  singil  sa kuryente  sa mga  consumer.

Ayon kay lone  district-Eastern  Samar Rep. Ben P. Evardone (LP, Eastern Samar), ang  utang  na  US$ 15.82 bilyon  sa taong  2010  ng  PSALM  ay  ipapasa sa consumers  kaya aasahan  na ang sunod-sunod na pagtataas ng  singil  sa  kuryente,

Si Evardone ang nagsulong  ng  House resolution 106 para sa pagsasagawa ng  congressional investigation sa financial condition ng  National Power Corporation (NPC) art ng PSALM.

Sinabi ni Evardone  na wala nang maging opsyon upang mabayaran  ang  utang  ng  PSALM kung hindi ang  pagtataas ng  singil sa  kuryente  dahil ang PSALM  ay  naisapribado ang  91.8 porsyento  ng NPC assets.

Ang power rates  ay  ibinabase  sa  universal charge.

Maaari rin aniyang  umutang pa  upang  mabayaran  ang  outstanding  debt  at  ang obligasyon din  ng Independent Power Producers (IPP).

Base  sa dokumentong isinumite ng  PSALM  sa  House Committee on  Energy, ang  kabuuang  pagkakautang ng   NPC at  IPP noong  2001  nang ipinatupad  ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ay umabot na sa US$16.3 billion.

Ito ay sa kabila  ng  katotohanang  ang PSALM ay kumita ng  US$10.6 billion mula  sa  pagsasapribado  ng  may  25 generating plants ($3.39 billion), Transco Concession ($3.95 billion), paglipat ng NPC-IPP contracts  sa  IPPA ($3.22 Billion), Turned-over IPPs ($44.5 million), decommissioned plants ($7.3 million), at  ang    PSALM  ay nakapag-loan  ng  $1 billion noong  May 2009, $1.2 billion noong November 2009, at P30 billion noong April 2010. Beth Aragon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply