Sunog: 10,000-20,000 katao nawawalan ng tahanan

MEDYO malayo-layo pa ang Marso na buwan ng mga sunog pero sunod-sunod na ang mga nagaganap na sunog.

Pinakahuling pangyayari ang sunog sa Bahay Toro sa Tondo, Maynila kahapon. Isang paslit ang namatay samantalang 10,000 katao ang nawalan ng tahanan makaraang masunog ang 600 kabahayan.

Isang linggo ang nakalilipas, may nasunog namang nasa 1,000 kabahayan mga dalawang kilometro ang layo sa nasunugan kahapon. Nasa 20,000 katao naman ang nawalan ng tahanan.

Grabe talaga, mga Bro, ang masunugan.

Totoo ang kasabihang maakyat-bahay ka na ng 10,000 o 20,000 beses huwag ka lang masunugan.

Kung maakyat bahay ka, kahit papaano may matitira pa sa iyo. Kapag nasunugan ka, hindi lang ang iyong ari-arian ang maaabo.

Kasamang maaabo ang iyong mga pinagpaguran, kabilang na ang iyong bahay.

Mawawalan ka rin ng kinabukasan dahil babagsak ka sa pagiging iskwater. Sa hirap ba naman ngayon ng pagpupundar ng tahanan dahil sa napakaliliit na kita at sahod.

Pati ang mga bata ay grabeng maaapektuhan. Napakahirap at napakasakit isiping sa mga evacuation center ka maninirahan na pawang mga limos ang iyong ikabubuhay. Magugutom ang mga bata at hindi rin makapapasok sa eskuwelahan.

Aaaah…talaga namang napakasakit at napakahirap ang masunugan.

oOo

Marami tayong magagawa, mga Bro, laban sa mapaminsalang sunog.

Isang mahalaga ang ating pagtutulungan.

Ang mga balde ng bawat bisig ay makatutulong laban sa sunog.

Dapat ding kahit saang sulok ng mga barangay ay may emergency number ukol sa mga bumbero, pulis, barangay at city hall.

Maganda ring may telepono patungo sa mga fire volunteer.

Pero yang pag-iingat sa mga pinagmumulan ng sunog ay dapat na alamin.

Bantayan din ang mga sadyang nanununog para lang magka-insurance sila. Ang mga hinayupak na durugista ay pinagmumulan din ng sunog.

Lahat ng pinagmumulan ng sunog ay dapat alamin at alamin na rin kung paano apulahin ang mga ito.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph
Benny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply