Sunog sa Brgy. Central, QC iniuugnay sa QC-CBD project

NANINIWALA ang grupong  Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) na ang naganap na sunog sa Brgy. Central na tumupok sa mahigit isang daang kabahayan  ay bahagi ng plano ng pamahalaang lunsod Quezon para madaliin ang pagpapatupad ng  Quezon City Central Bussines District Project.

Ayon kay Carlito Badion, Kadamay Vice Chair, hindi na bago ang panununog na pamamaraan para sapilitang mapalayas ang mga residenteng naninirahan sa nasabing lugar.

“Hindi natin ito maihihiwalay sa plano ng pagpalayas sa aming sa komunidad mula ng magtagumpay ang barikada noong Sept 23 2010, at saklaw ang Brgy.Central sa  QC-CBD Project. Ito’y isa sa kaninilang pamamaraan na panununog para mapadali ang pagwasak at pagpalayas sa aming mga maralita,” sabi ni Badion.

Aniya, minamadali  ng lokal na pamahalaan at mga pribadong mamumuhunan ang pagtatatag ng pinakamagarbong QC-CBD Project.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply