Sunog sa Kyusi 2 patay

DALAWA katao ang patay, habang tinatayang 60 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang masunog ang residential area sa Montreal st. Cubao, Quezon City, gabi ng Pebrero 17.

Nabatid na natupok ang 30 kabahayan nang masunog ang mismong likod ng Five Star bus terminal na nagsimula sa dalawang palapag na bahay.

Patuloy pang inaalam ng awtoridad ang halagang napinsala at ano ang pinagmulan ng sunog. Marjorie Dacoro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply