Sunog sa Parañaque, 4 patay

PATAY ang isang retiradong guro at tatlong menor de edad habang 20 pamilya ang nawalan ng bahay sa Lungsod Parañaque madaling-araw ng Miyerkules, Pebrero 9.

Ayon sa ulat ng dzBB, natagpuan ang katawan ng apat sa loob ng bahay sa Hernandez st., San Antonio Valley 10 sa nasabing siyudad.

Sa report ng dzRH, umabot sa ikalawang alarma ang sunog.

Ayon sa inisyal na report, nakilala ang retiradong guro na si Venus Bacolod, habang ang tatlo pang natusta ay may edad na 10, 12 at 16 taong gulang.

Ayon sa mga bumberong rumesponde sa sunog, maaaring bumagsak mula sa ikalawang palapag ng bahay ang katawan ng mga biktima sa unang palapag na pag-aari ni Bacolod.

Batay pa sa report, nagsimula ang sunog ng bandang ika-2:58 ng madaling umaga at naapula bandang alas-kwatro ng umaga.

Samantala, isang sunog pa ang naganap sa pagitan ng 7th at 8th sts. sa Barangay Sto. Niño bandang ala-una ng madaling araw.

Nagsimula umano ang naturang sunog sa bahay ni Erlinda Cruz malapit sa Ninoy Aquino International Airport at Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor). Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply