Super GM pisak kay Barbosa

HINIYA ni Pinoy international master Oliver Barbosa, (Elo 2461) ang super GM na si Sergey Volkov, (Elo 2602) ng Russia sa ninth at final round ng 2011 Moscow Open chess championships sa Russia State Social University sa Moscow, Russia.

Nakalikom si Barbosa ng 7.5 puntos matapos ang panalo nito kay no.11 seed Volkov na umabot sa 56 moves ng slav.

Dahil sa panalo nakisosyo si Barbosa sa 2nd hanggang ninth place matapos ang round nine habang ang kababayang si GM John Paul Gomez na nakipaghatian ng puntos kay Shanglei Lu ng China ay nakisalo naman sa 24th to 51st place na may 6.5 points.

Sumulong ng apat na sunod na panalo si Barbosa matapos siyang mabigo kay no. 2 seed at super GM Alexander Beliavsky, (Elo 2634) ng Slovenia sa round five.

Sa round six at seven nag-umpisa ang pananalbos ni Barbosa bago ito pumisak ng dalawang GM.

Dahil sa mababang tie-break points lumanding si Barbosa sa ninth place habang si Gomez ay nasa 26th place.

Si no. 38 seed Vladimir Belous, (Elo 2497) ng Russia ang nagkampeon matapos talunin sa final round ang kababayan niyang si GM Nikolai Kabanov, (Elo 2482). Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply