Supplier ng kalamansi sa Divisoria, binaril

PATAY ang isang 48-anyos na calamansi supplier matapos tumangging ibigay ang kanyang nakolektang pera sa pagrarasyon ng kalamansi sa Divisoria sa Tondo,Maynila, Linggo ng hapon, Pebrero 6.

Kinilala ni P/Insp.Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-homicide section ang biktima na si Mario Calvin.

Inilarawan naman ang suspek na  nasa pagitan ng edad 30-40, maitim, manganda ang pangangatawan, bilugan ang mukha, nakasuot ng kulay asul na t-shirt, pantalon na maong, chaleko na kulay dilaw at sapatos.

Sa report ni PO2 Ramoncito Tolentino, dakong ala-una ng hapon nang barilin ang biktima sa kanyang puwesto matapos tumanggi na ibigay ang kanyang kita sa kalamansi.

Ayon naman kay Joel Olivares, 41, katiwala ng biktima na nilapitan umano ito ng suspek at hinoldap subalit nagtangka itong tumakbo papasok ng kanilang bahay kaya pinaputukan ito ng dalawang beses.

Nang makita ng suspek na marami nang nanonood na tao ay muli itong nagpaputok ng dalawang beses saka agad na tumakas.

Hindi naman nakuha ng suspek ang perang kinita ng biktima.

Mabilis naman isinugod ang biktima ng kapatid  nitong si Roman Calvin at Efren Anggulo sa Mary Johnston Hospital pero hindi na ito umabot na buhay sa pagamautan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply