Suspek sa ‘gift bomb’ kinasuhan na

IPINAGHARAP na ng reklamong murder at frustrated murder ng Southern Police District (SPD) ang suspek sa pagsabog ng isang gift bomb sa Taguig kung saan isang misis ang namatay noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Partikular na ipinagharap ng reklamo sa Department of Justice si Rhea Corona Dalde.

Sa inihaing reklamo, tinukoy ng pulisya na si Dalde ang nag-deliver ng gift bomb para sa biktimang si Yvonne Chua sa bahay nito sa Parañaque nuong ika-28 ng Disyembre.

Kinabukasan, inihatid ng driver ng pamilya Chua ang regalo sa isa pang bahay ng mga ito sa Taguig kung saan naroon si Yvonne.

Kasama sa inihaing reklamo ang mga salaysay na positibong nagtuturo kay Dalde na siyang nagdala ng gift bomb sa bahay ng biktima.

Sa affidavit ng asawa ng biktima na si Vinson, tinukoy nito na kinilala ng kanilang security guard na si Reynaldo Busalanan si Dalde, dating kasambahay ng kanyang bayaw, na siyang nagdeliver ng sumabog na package.

Matatandaang si Chua ay nasawi makaraang sumabog ang isa sa limang granada na laman ng kahon na binalot ng gift wrap nang iyon ay kanyang buksan. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply