Suspek sa gumahasa at brutal na pumatay sa 10-anyos bata sumuko

KALIBO, Aklan – Sumuko na ang 15-anyos na suspek na gumahasa at pumatay sa 10-ayos na bata kasama ang kanyang mga magulang sa himpilan ng pulisya.

Sinabi ni PO2 Rufino ng Madalag PNP, isinailalim na sa interogasyon ang suspek na si Marigold Juanito, una nang inamin ang brutal na pagpatay sa biktima nitong nakalipas na Valentine’s Day.

Sa himpilan ng pulisya, inamin ng suspek ang pagtapon sa bangkay ng biktima sa kakahuyan kung saan ito ay naagnas na nang matagpuan ng pamilya ng bata nitong Martes, Pebrero 15.

Sinasabing papunta na sana ang biktima sa bahay ng kanyang kaibigan nang mangyari ang insidente.

Pinatay umano ang dalagita sa pamamagitan ng pagbigti, paghampas ng matigas na bagay sa ulo at saka itinapon ang katawan sa isang tagong lugar sa Sitio Tumaewag, Brgy. Logohon, Madalag, Aklan.

Napag-alaman na magkamag-anak ang suspek at biktima.

Paniwala naman ng awtoridad na ginahasa ang biktima bago pinatay dahil wala na itong underwear nang matagpuan. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply