Suspek sa Ortega slay hawak na ng NBI

ISINUKO na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang sinasabing magiging tulay upang matukoy ang nagpapatay sa Palawan journalist na si Gerry Ortega.

Personal na ipinasa sa NBI Linggo ng hapon, Pebrero 6, ni Puerto Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn ang sumukong si  Rodolfo Edrada, Jr. alyas “Junjun Bumar” na dating sundalo.

Si Edrada ay nakipagkita umano dakong ika-10 ng gabi noong Sabado kay Hagedorn at isang grupo ng NBI sa pamumuno ni Atty. Rosauro Bautista sa isang hotel sa Maharlika Highway, boundary ng Gumaca at Plaridel probinsya ng Quezon.

Naniniwala si Hagedorn na si Edrada ang mag-uugnay upang matumbok ang mastermind sa pagpatay kay Ortega.

Naging daan din umano si Edrada upang malinawan na ang kaso sa pagpatay kay Ortega bukod pa sa presensiya ng gunman na si Marlon Ricamata at nagsilbing look out sa pagpatay na si Dennis Aranas.

Nabatid na ang umano’y amo ngayon ni Edrada ay ang dating gobernador ng Palawan na si Joel Reyes at hindi ang dating Marinduque governor na si Bong Carreon.

Nauna rito,nakatanggap umano ng tawag si Hagedorn mula sa abogado ng suspek at humihingi ito ng tulong para sa pagsuko ng kanyang kliyente.

Si Edrada ay ng itinuro ng dalawang testigo na nasa ilalim na ngayon ng pangangalaga ng Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ).

Si Ortega ay magugunitang pinatay ng isang gunman na na nakuhanan ng CCTV video.

Mananatili namang nasa kustpdiya ng NBI ang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply