Suspek sa pagpatay ng Palawan broadcaster isasailalim sa WPP

ISASAILALIM sa Witness Protection Program (WPP) ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sumukong suspek sa pagpatay sa Palawan broadcaster na si Dr. Gerardo Ortega.

Ayon kay Palawan NBI chief Olivo Ramos, irerekomenda nila ang pagsasailalim ng suspek na si Rodolfo Edrad sa WPP dahil sa pagtuturo nito sa dalawang dating gobernador na umano’y utak ng krimen.

Idinawit ni Edrad sina dating Palawan Gov. Joel Reyes at Marinduque Gov. Jose Antonio Carreon sa naturang krimen.

Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan ng awtoridad ang pahayag na ibinigay sa kanila ni Edrad, na umano’y kumontak sa bumaril kay Ortega na si Marlon Decamata at isa pang lookout. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply