Suspek sa pagpatay sa pinsan ni Angel Locsin, huli

NAHULI na ang suspek sa pagpatay sa pinsan ni Angel Locsin na Rachelle Marie Sansan .

Naaresto ng mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police ang suspek na si Fernando Sansan, 44, sa Maasin City, Southern Leyte.

Nadakip si Sansan sa kanyang pinagtataguan bandang 8:30 ng gabi sa Barangay Ibarra sa naturang lungsod.

Si Sansan ay asawa ng napaslang na si Rachelle Marie. Hinihinala ng kapulisan na matagal ng nagtago si Sansan sa bahay ng kanyang mga kamag-anak sa naturang lugar.

Matatandaang natagpuang patay ang pinsan ni Angel sa kanilang bahay sa Carcar, Cebu noong Nobyembre 2010.

Dadalhin sa Cebu provincial police office si Sansan upang pormal ng
iharap sa kanyang nakabinbin na kasong pagpatay. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply