Suspension sa recount sa protesta ni Atienza inalmahan ni Lim

AGAD nagpasa ng motion for reconsideration si Manila Mayor Alfredo Lim sa utos ng Commission on Election (Comelec) na pansamantalang pagsuspinde sa nakatakda sanang recount nitong Lunes sa mga balota na ipinoprotesta ni Lito Atienza.

Ayon sa chief of staff ni Mayor Lim na si  Atty. Ric De Guzman, naghain ng oposisyon ang mga abogado ni Lim sa Comelec matapos pigilan ang pagbibilang ng balota dahil sa hindi pagsang-ayon ni Atienza na kaltasin  sa kanyang  pera na  naka-deposito sa komisyon ang pambili ng recount materials.

Nabatid pa kay De Guzman na kailangan ang mga nasabing materyales upang mapasimulan ang recount ng mga balota na nakasaad sa Comelec Resolution No. 9104 na inilabas ng Comelec noong Nobyembre 30, 2011.

Matatandaan na automated na ang nakaraang eleksyon at hindi pinapayagan na magkaroon ng manual counting na siyang ipinagpipilitan ni Atienza. Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply