Suspensyon sa CBA ng PAL workers pinababawi na

NANAWAGAN kahapon ang mga kasapi ng Philippine Airlines Employees Association na bawiin na ang suspension sa kanilang Collective Bargaining Agreement na umiiral na ng dalawang taong lampas sa orihinal na ibinaba ng pamahalaan.

Sinabi ni Gerry Rivera, pangulo ng PALEA at ikalawang tagapangulo ng Partido ng Manggagawa, na sa orihinal na kautusan, 10 taon lang dapat ipatutupad ang moratorium sa kanilang mga CBA at dapat ay nagtapos na ito noong 2008.

Sa kabila nito, sa ilalim ng naunang pamunuan ay nagkaroon pa ng dalawang taong extension, kaya naman hanggang sa ngayo’y wala pa ring natatanggap na benepisyo ang kanilang mga kasamahan kahit malinaw na naka-recover na ang PAL.

Aniya, dahil dito wala silang magawang paraan upang maprotektahan ang kanilang mga kasamahan, katulad na lang kung maganap rin sa kanilang mga kasamahan ang umano’y pambabastos na naganap sa ground attendant na si Sarah Bonnin-Ocampo.

Sinabi pa ni Rivera na kahit hiningi na ng pamunuan ng PAL ang mga pangalan ng kanilang mga kasamahan na makikipagnegosasyon para magkaroon sila ng karagdagang benepisyo, hindi pa rin nakatitiyak ang mga ito hanggang hindi pa natatapos ang usapan.-Jayzl Nebre

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply